Ang Banal na Kalooban ng Dyos

Espiritualidad ng Banal na Kalooban

Aklat nang langit – Luisa Piccarreta

Espiritualidad ng Banal na Kalooban

Ang buhay nang isang nabubuhay sa Kalooban ng Dyos ay nakinabang sa walang katapusang biyaya at galak na nananalig sa Banal na Kalooban ng Dyos. Hindi lamang wasto ang gagawin mo ang Kalooban ng Dyos kundi ang gusto niya ay isasabuhay mo ang kanyang Banal na Kalooban, para ba gang ikaw ang may ari nang Kaharian ng Dyos. Bilang anak, totoo ito. Iyan dapat ang iyong iisipin at mararamdaman, na ang iyong buhay ay nasa langit na, kahit na ang iyong buhay ay nasa lupa pa rin, dahil ika’y nabubuhay na nang Banal sa Kalooban ng Dyos Trinidad.

Gusto ni Hesus na isasabuhay mo ang Banal na Kalooban bilang tunay na anak ka nang Dyos, hindi alipin. Ang Dyos ay hindi sang-ayon na tatratuhin mo siya na parang bagang Amo mo lang siya napaglingkurang husto, però Ama mo siya talaga tunay. 

Dapat mo’ng iwasto ang iyong pakikipaghalubilo mo at pagkakaibigan sa iyong Amang nasa Langit dahil gusto na niya na ika’y mabuhay nang mas masaya at galak sa iyong damdamin at isipan. Ang mga pinaiisipang mga kasalanan ay hindi nararapat sa isang tulad mo na, sundin ang loob niy dito sa lupa para nang sa langit.

Balik sa Homepage

/ 5
Thanks for voting!

Published by aklatnanglangit

Kami ay ang tagataguyod ng Banal na Kalooban ni Kristo Hesus na ipinahahayag kay Luisa Piccarreta bilang isang Mensahe na nangangaral ukol sa kabanalan. Ang ating puntirya sa buhay ay ang pagiging kahawig ng ating Ama na nasa langit: "kayo'y maging banal na kagaya ko ay Banal (Levitico 19:2)